Saturday, February 26, 2011

"Ang Natatanging Bata"

            -talambuhay ng gumawa ng blog na ito na si Shidrex M. Gonzales.
     Ang taong gumawa ng blog na ito ay nagsimula sa dalawang pamilya, ang pamilya Gonzales at pamilya Malabanan. Nang makalipas ang dalawang taon matapos ipanganak nina Lhorie at Rhey ang kanilang panganay ipinanganak naman nila ang batang nagngangalang Shidrex M.Gonzales, noong agosto 30, taong 1995. Nagmula ang pangalang Shidrex sa isang palabas na nuso noon, ang "Cedie ang Munting Prinsipe". Naging patas ang aking mga magulang sa pagbibigay ng aming mga pangalan, dahil lahat kaming magkakapatid ay may magkakasing daming bilang ng letra sa pangalan. Kinbibilangan ito nina; Rhenzee, Shidrex, Jhoaane, at Sheanne, bukaod sa pantay pantay kami ng bilang ng letra sa pangalan , parepareho rin kaming may letrang "H" sa pangalawang letra. Dito nagmula ang aking pangalan.

Malabanan Family
     Ngayon bumalik tayo sa aking nakaraan. Noong daw kasagsagn ng isang bagyo , Isa palang akong sanggol kaya wala akong kaalam alam sa nangyayari. Mabuti nalang at inilabas ako ng aking butihing ina sa malapit na kapitbahay at makalipas ang ilang minuto naputol ang isang malaking puno sa likod ng aming bahay at dumiretso sa aking madalas na hinihigaan, mabuti nlang at wala na ako moong pumatak ang punong iyon. Salamat sa panginoong Diyos.
ako yan nung dalawang taon!

     Habang ako'y lumalaki nagiging pakulit daw ako ng pakulit. Isang nakaktawang pangyayari ang nangyari sa akin noong ako'y tatlong taong gulang palang. Wala noong tao sa tindahan ng aking tiya kaya naman binuksan ko ang isang garapon ng kendi at ginusto kong kunin ang laman nito. Habang binubuksan ko ang garapon ay biglang dumating ang aking tiya at tinawag niya ako sa aking palayaw na "dek dek" kaya naman bigla nalang daw akong pumikit daw ako at hindi gumalaw kaya naman napatawa nalang ang aking tiya. Mahigit daw kalahating oras akong hindi nagalaw noon at marami naring taong nakatingin sa akin, kaya naman napagpasyahan  nalang nilang iwan ako. Nang iwanan na nila ako ay mabilis kong kinuha ang laman ng kendi at mabilis ngunit maingat akong umuwi sa amin.

     Lumipas ang pangahon at kada may okasyon ay pumupunta kami sa iba't ibang lugar tulad ng Tagaytay at Manila Zoo. At nang tumungtong na ako sa apat na taong gulang hindi inaasahang umupo ako sa upuan at naipit ang aking daliri sa paa. Matagal-tagal rin bago ako makaalis sa aking mahirap na pusisyon mabuti nalang at dumating ulit ang aking ina at inialis niya ako at ginamot ang nagdurugong daliri ko sa paa. Mabuti nalang at hindi ito masyadong lumala.
kami yan ng ate ko!!!

Sobrang saya ko!!!

   Tumung tong na ako sa limang taong gulang at bakasyon noon, kaya naman tinuruaan ako ng aking napakamapagmahal na ama na bumasa ng abakada. Inaabot kami ng gabi upang ako ay madaling matuto. Dumating ang araw na pinakahihintay ko noon ang pagpapa-enroll sa darating na pasukan. Hindi n ako pumasok ng kinder dahil sabi ng mga taga sa amin ay matalino naman daw ako. Pero hindi sana ako tatangapin dahil underage daw ako, kaya naman nakiusap ang aking ina na ipasok akokahit saling pusa lang. Mabuti nalang at pinayagan nila akong pumasok doon. Seksyon A dapat kami ng pinsan kong si "Einon" kaya lang sobrabg dami nang pumasok noong taong iyon kaya lumipat kami sa Seksyon B. tuwing maglalaro kami ng habulan ay nagiging magkakampi kami ng pinsan ko. Sa tuwing matataya ako ay hahabulin ko siya sa isang tagong lugar at pagwala ng nakakakita ay mgkukunwari kaming pagod na pagod at kung sino man ang mahuli ng isa sa amin ang magiging taya , bunga nito hindi nagiging matagal ang pagiging taya namin. Sa taguaan naman ay nagpapalit kami ng damit upang malito ang taya at maiwasang mataya ang isa sa amin.Isa pang nakakatawang bagay sa aking buhay ay noong ako'y grade 1 pinag dadala kami ng aming guro sa pilipino ng limang pang-abay na salita, ngunit ang dinala ng aking kaklase ay ang pangabay ng kaniyang kapatid. Sabi pa niya "Mam, iisa na po ang pangabay na nakita ko sa amin wala na po akong mahihirama". Sabay sabay kaming nagtawanan sa kaniyang sinabi at agad naman siyang umiyak. Pero kahit ganon naging masaya narin siya.Habang kami'y nagkaklase ako ang pinaka aktibo at pinakamatalino sa seksyon namin. kaya ako ang naging 1st at hindi na nila ako ginawang saling pusa. Naging msaya ako ngunit inaantok dahil sa sobrang haba ng program. Napakasaya ko noon at matapos na ako ay masabitan kumain kami sa labas at gumala sa bayan.
Kakaantok!!!

      Nagpatuloy na ang aking pag-aaral at ngayon ay grade 2 na ako. Normal lang ang lahat kaya ngalang nagsama na ang lahat ng pumasa sa seksyon A at B. Dito ko natutunan at nahubog ang pagkanta ng Lupang Hinirang, at Panatang Makabayan. Dito rin ako nagsimulang lumaban ng M-TAP ngunit hindi kami nakakapasok sa Oral. Napakarami kong naging kaibigan sa aming magkakaklase. Halos lahat ay naututwa sa ugali kong mapagbigay at mabait. Nang matapos na ang mga exam lumabas na 2nd lang ako pero ayos lang dahil ako naman ang pinakabata sa aming magkakaklase.

    Baksyon ngaton kaya naman napagpasyahan naming magpapamilya na pumunta sa mga magulang ng aking ama sa Batangas. Matagal-tagal ring hindi kami poumupunta rito . Napakasaya ko sa lugar na ito, maaliwalas ang hangin maraming prutas at maaari kang humiga sa lilim ng mga puno. Nagpapadulas kami gamit ang palalapa  sa mga dahilig na  lugar. Medyo nga naninibago ako rito dahil lahat ng pinsan ko ay tumatawag sa akin ng kuya dahil panganay ang ama ko. Samantalang sa amin bunso ang aking ina kaya ako ang tumatawag sa kainila ng ate at kuya. Dumating na ang pyesta sa wakas, napakarami ng handa, kaya naman masayang masaya ako.

    Pasukan nanamanm, ngayon ay nasa grade 3 na ako. Dito dumating ang babaeng nagngangalang Catherine S. Yao na naging "Crush" naming magpipinsan. Hindi ko alam kong paano ko sasabihin ang nararam daman ko sa kaniya dahil magkakapitbhay lang kami. Pader lang nag pagitan ng bahay namin sa bahay nila. Isa rin siyang mahusay na mag-aaral kaya naman hindi ko pinairal ang pagkakaroon ng gusto ko sa kanya.Matapos ang taon naging 3rd lang ako kaya naman natangal na ang pagkagusto ko sa kanya at tinuring ko siyang kalaban. Ayos lang sa mga magulang ko dahil tumataas naman ang marka ko.
   
    Bakasyon nanaman kaya may nauusong laro sa aming looban ang "sipa bola", madalas namin itong nilalaro sa basketbulan sa amin. Hangang hanga nga ako kay ate Nimpa nang sumipa siya sa laong ito ay nag shoot sa basketball ring. Ayon ang isang pagkakataong humanga ako ng lubusan. Nilalaro din namin ang patintero at luksong baka. Madalas din kaming maligo sa ilog at pagalitan ng aming mga ,agulang dahil sa paliligo sa ilig. Dahil dito nagpapatuyo nalang kami sa init ng araw matapos maligo upang makaiwas sa sermon ng magulang. Naghaharang din kami sa ilog upang mas maging masarap ang paliligo at mas maging malalim.

     Sa wakas Grade 4 na ako. Nakakatakot ang aming magiging guro ngayon dahil siya ang pinakamataray na guro sa aming paaralasn. Ang pangalan nga pala ng aking pinapasukang paaralan ay Concepcion Elementary School. Balik tayo sa aking talambuhay. Dito ako nagsimulang lumaban ng chess sa District meet. Mabuti nalang at nakapasok ako sa Top 2. Ngunit ng lumaban na ako sa Division meet hindi kami nagkaroon ng place. Pero ayos lang ton kasi unang beses ko palang namang lumaban noon. naging msaya kami sa bawat araw at nagkaroon "bonding" sa isa't isa. Nagtapos nanaman ako ng isang taon na pangatlo sa buong klase.

     Ang bilis ng panahon bakasyon nanaman. Hindi parin nawawala sa aming mga bata ang " tagu-taguan", text, pogs, at iba pang larong pang bata.

    Ngayon ako ay Grade 5 na dalawang babae nanaman ang nagpatibok sa aking puso. Si Omega at si Kimberly Faith Agustin. Hindi ko alm kong anong nararamdaman ko basta ang gusto ko noon ay lagi ko silang kasama at kausap. Lumaban uli kami sa Chess pero ngayon 1st na kami sa Division meet team. Sarap sa pakiramdam na naging 1st kami kaya lang walang regional noong taong yon. Malapit ng matapos ang taon kaya mas pinagbutihan ko ang aking pag-aaral pero ng matapos ang pasukan naging top 3 parin ako. Masaya  masaya naming natapos ang taong ito dahil natutunan namin ang tamang paglilinis.

   Iba ang ginawa ko ngayong bakasyon. Tumulong na ako sa aking ama sa paggagawa ng mga bintana. Tinutulungan ko siya sa pag kakabit ng mga ito. Natutunan ko ritong mahirap pala ang trabaho ng aking ama. Naging pala simba rin ako kaya mas naging malapit ako sa Diyos kaso ngalang huminto ako sa pagsimba dahil malapit na ang pasukan.

    Grade 6 na ako, excited kasi malapit na akong grumaduate. Dito ko lubusang nakilala ang Diyos na si Jesukristo na sariling tagapagligtas.kung hindi ako nagkakamali ay agosto iyon. Ngunit may hindi inaasahang bagay ang nangyari sa akin. Bibili ako noon ng ulam, mga bandang 12:00 ng tanghali. Tatawid na ako noon pero hindi ko makita ang daan kaya nangsisilip ako ay bigla nalang akong nawalan ng malay. Ang sabi ng isang nakakita ay para daw akong isan papel na sumuot sa ilalim ng tricycle. Nagkaroon ako ng 2nd degree burn sa kanang bahagi ng aking tiyan. Na "confine" ako ng dalawang araw , mabuti nalang at wala akong bali o malmang sugat. Pumasok ako sa paaralan at naging usapusapan ang nangyari sa akin. Lumaban ulit ako sa chess pero ngayon ay 2nd lang kami. Ang kasunod kong nilabanan ay M-TAP naging 3rd honors ako ngayong grade6. Masayang masaya ang aking mga magulang  noong graduation dahil nagkamit ako ng titulong salitatorian.
Graduation nah!!!!!
kami yan sa church!!

     Ngayon ready na ako sa aking pag pasok sa high school. Pero ang napupuna ko sa tuwing kukuha ako ng exam ay meron akong lagnat. Kumuha ako ng exam sa MSC pero 50% lang ang nakuhan kong scholarship. Kumuha ako ng wxam sa Dizon may sakit ako noon at wala ako sa konsentrasyon. Wala pa akong dalang ballpen noon , mabuti nalang at mayroong nagpahiram sa akin ng Magic Pencil. (Kung mababasa mo ito salamat!!!!). Hindi ko nalalaman ang resulta dahil hindi ito sinusubaybayan ng aking mga magulang.

     Ngayon ay 1st year na ako. Pagpasok ko sa Room ay tahimik ang lahat sumilip si Sir Lacsam nagpatawa at nagwikang " Sa unang araw  ay kailangan naming magkwentuhan upang hindi mapanis ang laway".Magsasalita na si Mrs. Montaña kabado ang lahat, galing kasi niyang mag english eh!. Bawat guro ay nag atang agad sa amin ng mga tungkulin ka todo aral ang bawat isa sa loob ng isag buwan. Simula pa lang ay nakilala ko na agad si Arjay M. Latoza ,kaya naman siya ang isa sa pinakamatalik kong kaibigan ngayon.Lumaban ako sa Sci-dama at nag 3rd ako sa Division . Lumaban din ako sa M-TAP. Masaya ako ng matapos ang taon dahil nakasama ako sa top 10.

    Ngayon ay 2nd year na ako napakaraming nakakasalamuha kong tao. Hindi ko alam kong paano ako magiging mabuting kaklase pero alam ko na ginawa ko ang lahat. Sa year na ito nagkaroon  ako ng napakaraming kaibigan. Nagkaroon din ako ng munting paghanga kin "Althea" at "Piwie" dahil sa husay nilang kumanta. Marami namang masasayang bagay ang nangyari sa akin. Dito ko nakilala ang isa ko pang kaibigang matalik na si Ivan N. Alvaran.

kami yan ng mga Best ko!!
      Noong 3rd year naman ako naranasan ko ang pagtuturo nina  Sir. Legaspi at Mam. Cuasay. Sa una medyo nakakatakot at maraming rules at regulation na ipinatutupad. Ngayon sanay na kami. Napatunayan naming napakabait nilang guro.

    Ang bilis ng araw 4th year na kami. Na "mimiss" namin ang isa't isa kaya naman dinadamihan na namin ang time ng pagbobonding. Mabuti nnalang at nandiyan ang mga guro na handang umunawa sa amin. Kabado ang lahat sa kailangang maisumite na "Researh Paper". pero inabot parin ito ng January. Hindi namin namamalayan na malapit na pala kaming maghiwahiwalay. Hayyy!!!! naku , nakakalungkot. Tunay ngang ang HighSchool Life ang pinaka masayang parte ng buhay. Dito ka maraming makikilalang special some one. Ngayon taon nga pala nakilala ko sin Ella Jean Gahuman , Mary Dianne Gonda, at ang pangalan ng blog na ito Elizabeth Courtney Jines. Ngayon ay sinusulat ko ang pinagawang talambuhay ko ni Sir Lacsam(Feb. 25 2011 7:22 PM.) 

     NGAYON NAKILALA MO NA AKO!!!!


1 comment: