Saturday, February 26, 2011

"Ang Natatanging Bata"

            -talambuhay ng gumawa ng blog na ito na si Shidrex M. Gonzales.
     Ang taong gumawa ng blog na ito ay nagsimula sa dalawang pamilya, ang pamilya Gonzales at pamilya Malabanan. Nang makalipas ang dalawang taon matapos ipanganak nina Lhorie at Rhey ang kanilang panganay ipinanganak naman nila ang batang nagngangalang Shidrex M.Gonzales, noong agosto 30, taong 1995. Nagmula ang pangalang Shidrex sa isang palabas na nuso noon, ang "Cedie ang Munting Prinsipe". Naging patas ang aking mga magulang sa pagbibigay ng aming mga pangalan, dahil lahat kaming magkakapatid ay may magkakasing daming bilang ng letra sa pangalan. Kinbibilangan ito nina; Rhenzee, Shidrex, Jhoaane, at Sheanne, bukaod sa pantay pantay kami ng bilang ng letra sa pangalan , parepareho rin kaming may letrang "H" sa pangalawang letra. Dito nagmula ang aking pangalan.

Malabanan Family
     Ngayon bumalik tayo sa aking nakaraan. Noong daw kasagsagn ng isang bagyo , Isa palang akong sanggol kaya wala akong kaalam alam sa nangyayari. Mabuti nalang at inilabas ako ng aking butihing ina sa malapit na kapitbahay at makalipas ang ilang minuto naputol ang isang malaking puno sa likod ng aming bahay at dumiretso sa aking madalas na hinihigaan, mabuti nlang at wala na ako moong pumatak ang punong iyon. Salamat sa panginoong Diyos.
ako yan nung dalawang taon!

     Habang ako'y lumalaki nagiging pakulit daw ako ng pakulit. Isang nakaktawang pangyayari ang nangyari sa akin noong ako'y tatlong taong gulang palang. Wala noong tao sa tindahan ng aking tiya kaya naman binuksan ko ang isang garapon ng kendi at ginusto kong kunin ang laman nito. Habang binubuksan ko ang garapon ay biglang dumating ang aking tiya at tinawag niya ako sa aking palayaw na "dek dek" kaya naman bigla nalang daw akong pumikit daw ako at hindi gumalaw kaya naman napatawa nalang ang aking tiya. Mahigit daw kalahating oras akong hindi nagalaw noon at marami naring taong nakatingin sa akin, kaya naman napagpasyahan  nalang nilang iwan ako. Nang iwanan na nila ako ay mabilis kong kinuha ang laman ng kendi at mabilis ngunit maingat akong umuwi sa amin.

     Lumipas ang pangahon at kada may okasyon ay pumupunta kami sa iba't ibang lugar tulad ng Tagaytay at Manila Zoo. At nang tumungtong na ako sa apat na taong gulang hindi inaasahang umupo ako sa upuan at naipit ang aking daliri sa paa. Matagal-tagal rin bago ako makaalis sa aking mahirap na pusisyon mabuti nalang at dumating ulit ang aking ina at inialis niya ako at ginamot ang nagdurugong daliri ko sa paa. Mabuti nalang at hindi ito masyadong lumala.
kami yan ng ate ko!!!

Sobrang saya ko!!!

   Tumung tong na ako sa limang taong gulang at bakasyon noon, kaya naman tinuruaan ako ng aking napakamapagmahal na ama na bumasa ng abakada. Inaabot kami ng gabi upang ako ay madaling matuto. Dumating ang araw na pinakahihintay ko noon ang pagpapa-enroll sa darating na pasukan. Hindi n ako pumasok ng kinder dahil sabi ng mga taga sa amin ay matalino naman daw ako. Pero hindi sana ako tatangapin dahil underage daw ako, kaya naman nakiusap ang aking ina na ipasok akokahit saling pusa lang. Mabuti nalang at pinayagan nila akong pumasok doon. Seksyon A dapat kami ng pinsan kong si "Einon" kaya lang sobrabg dami nang pumasok noong taong iyon kaya lumipat kami sa Seksyon B. tuwing maglalaro kami ng habulan ay nagiging magkakampi kami ng pinsan ko. Sa tuwing matataya ako ay hahabulin ko siya sa isang tagong lugar at pagwala ng nakakakita ay mgkukunwari kaming pagod na pagod at kung sino man ang mahuli ng isa sa amin ang magiging taya , bunga nito hindi nagiging matagal ang pagiging taya namin. Sa taguaan naman ay nagpapalit kami ng damit upang malito ang taya at maiwasang mataya ang isa sa amin.Isa pang nakakatawang bagay sa aking buhay ay noong ako'y grade 1 pinag dadala kami ng aming guro sa pilipino ng limang pang-abay na salita, ngunit ang dinala ng aking kaklase ay ang pangabay ng kaniyang kapatid. Sabi pa niya "Mam, iisa na po ang pangabay na nakita ko sa amin wala na po akong mahihirama". Sabay sabay kaming nagtawanan sa kaniyang sinabi at agad naman siyang umiyak. Pero kahit ganon naging masaya narin siya.Habang kami'y nagkaklase ako ang pinaka aktibo at pinakamatalino sa seksyon namin. kaya ako ang naging 1st at hindi na nila ako ginawang saling pusa. Naging msaya ako ngunit inaantok dahil sa sobrang haba ng program. Napakasaya ko noon at matapos na ako ay masabitan kumain kami sa labas at gumala sa bayan.
Kakaantok!!!

      Nagpatuloy na ang aking pag-aaral at ngayon ay grade 2 na ako. Normal lang ang lahat kaya ngalang nagsama na ang lahat ng pumasa sa seksyon A at B. Dito ko natutunan at nahubog ang pagkanta ng Lupang Hinirang, at Panatang Makabayan. Dito rin ako nagsimulang lumaban ng M-TAP ngunit hindi kami nakakapasok sa Oral. Napakarami kong naging kaibigan sa aming magkakaklase. Halos lahat ay naututwa sa ugali kong mapagbigay at mabait. Nang matapos na ang mga exam lumabas na 2nd lang ako pero ayos lang dahil ako naman ang pinakabata sa aming magkakaklase.

    Baksyon ngaton kaya naman napagpasyahan naming magpapamilya na pumunta sa mga magulang ng aking ama sa Batangas. Matagal-tagal ring hindi kami poumupunta rito . Napakasaya ko sa lugar na ito, maaliwalas ang hangin maraming prutas at maaari kang humiga sa lilim ng mga puno. Nagpapadulas kami gamit ang palalapa  sa mga dahilig na  lugar. Medyo nga naninibago ako rito dahil lahat ng pinsan ko ay tumatawag sa akin ng kuya dahil panganay ang ama ko. Samantalang sa amin bunso ang aking ina kaya ako ang tumatawag sa kainila ng ate at kuya. Dumating na ang pyesta sa wakas, napakarami ng handa, kaya naman masayang masaya ako.

    Pasukan nanamanm, ngayon ay nasa grade 3 na ako. Dito dumating ang babaeng nagngangalang Catherine S. Yao na naging "Crush" naming magpipinsan. Hindi ko alam kong paano ko sasabihin ang nararam daman ko sa kaniya dahil magkakapitbhay lang kami. Pader lang nag pagitan ng bahay namin sa bahay nila. Isa rin siyang mahusay na mag-aaral kaya naman hindi ko pinairal ang pagkakaroon ng gusto ko sa kanya.Matapos ang taon naging 3rd lang ako kaya naman natangal na ang pagkagusto ko sa kanya at tinuring ko siyang kalaban. Ayos lang sa mga magulang ko dahil tumataas naman ang marka ko.
   
    Bakasyon nanaman kaya may nauusong laro sa aming looban ang "sipa bola", madalas namin itong nilalaro sa basketbulan sa amin. Hangang hanga nga ako kay ate Nimpa nang sumipa siya sa laong ito ay nag shoot sa basketball ring. Ayon ang isang pagkakataong humanga ako ng lubusan. Nilalaro din namin ang patintero at luksong baka. Madalas din kaming maligo sa ilog at pagalitan ng aming mga ,agulang dahil sa paliligo sa ilig. Dahil dito nagpapatuyo nalang kami sa init ng araw matapos maligo upang makaiwas sa sermon ng magulang. Naghaharang din kami sa ilog upang mas maging masarap ang paliligo at mas maging malalim.

     Sa wakas Grade 4 na ako. Nakakatakot ang aming magiging guro ngayon dahil siya ang pinakamataray na guro sa aming paaralasn. Ang pangalan nga pala ng aking pinapasukang paaralan ay Concepcion Elementary School. Balik tayo sa aking talambuhay. Dito ako nagsimulang lumaban ng chess sa District meet. Mabuti nalang at nakapasok ako sa Top 2. Ngunit ng lumaban na ako sa Division meet hindi kami nagkaroon ng place. Pero ayos lang ton kasi unang beses ko palang namang lumaban noon. naging msaya kami sa bawat araw at nagkaroon "bonding" sa isa't isa. Nagtapos nanaman ako ng isang taon na pangatlo sa buong klase.

     Ang bilis ng panahon bakasyon nanaman. Hindi parin nawawala sa aming mga bata ang " tagu-taguan", text, pogs, at iba pang larong pang bata.

    Ngayon ako ay Grade 5 na dalawang babae nanaman ang nagpatibok sa aking puso. Si Omega at si Kimberly Faith Agustin. Hindi ko alm kong anong nararamdaman ko basta ang gusto ko noon ay lagi ko silang kasama at kausap. Lumaban uli kami sa Chess pero ngayon 1st na kami sa Division meet team. Sarap sa pakiramdam na naging 1st kami kaya lang walang regional noong taong yon. Malapit ng matapos ang taon kaya mas pinagbutihan ko ang aking pag-aaral pero ng matapos ang pasukan naging top 3 parin ako. Masaya  masaya naming natapos ang taong ito dahil natutunan namin ang tamang paglilinis.

   Iba ang ginawa ko ngayong bakasyon. Tumulong na ako sa aking ama sa paggagawa ng mga bintana. Tinutulungan ko siya sa pag kakabit ng mga ito. Natutunan ko ritong mahirap pala ang trabaho ng aking ama. Naging pala simba rin ako kaya mas naging malapit ako sa Diyos kaso ngalang huminto ako sa pagsimba dahil malapit na ang pasukan.

    Grade 6 na ako, excited kasi malapit na akong grumaduate. Dito ko lubusang nakilala ang Diyos na si Jesukristo na sariling tagapagligtas.kung hindi ako nagkakamali ay agosto iyon. Ngunit may hindi inaasahang bagay ang nangyari sa akin. Bibili ako noon ng ulam, mga bandang 12:00 ng tanghali. Tatawid na ako noon pero hindi ko makita ang daan kaya nangsisilip ako ay bigla nalang akong nawalan ng malay. Ang sabi ng isang nakakita ay para daw akong isan papel na sumuot sa ilalim ng tricycle. Nagkaroon ako ng 2nd degree burn sa kanang bahagi ng aking tiyan. Na "confine" ako ng dalawang araw , mabuti nalang at wala akong bali o malmang sugat. Pumasok ako sa paaralan at naging usapusapan ang nangyari sa akin. Lumaban ulit ako sa chess pero ngayon ay 2nd lang kami. Ang kasunod kong nilabanan ay M-TAP naging 3rd honors ako ngayong grade6. Masayang masaya ang aking mga magulang  noong graduation dahil nagkamit ako ng titulong salitatorian.
Graduation nah!!!!!
kami yan sa church!!

     Ngayon ready na ako sa aking pag pasok sa high school. Pero ang napupuna ko sa tuwing kukuha ako ng exam ay meron akong lagnat. Kumuha ako ng exam sa MSC pero 50% lang ang nakuhan kong scholarship. Kumuha ako ng wxam sa Dizon may sakit ako noon at wala ako sa konsentrasyon. Wala pa akong dalang ballpen noon , mabuti nalang at mayroong nagpahiram sa akin ng Magic Pencil. (Kung mababasa mo ito salamat!!!!). Hindi ko nalalaman ang resulta dahil hindi ito sinusubaybayan ng aking mga magulang.

     Ngayon ay 1st year na ako. Pagpasok ko sa Room ay tahimik ang lahat sumilip si Sir Lacsam nagpatawa at nagwikang " Sa unang araw  ay kailangan naming magkwentuhan upang hindi mapanis ang laway".Magsasalita na si Mrs. Montaña kabado ang lahat, galing kasi niyang mag english eh!. Bawat guro ay nag atang agad sa amin ng mga tungkulin ka todo aral ang bawat isa sa loob ng isag buwan. Simula pa lang ay nakilala ko na agad si Arjay M. Latoza ,kaya naman siya ang isa sa pinakamatalik kong kaibigan ngayon.Lumaban ako sa Sci-dama at nag 3rd ako sa Division . Lumaban din ako sa M-TAP. Masaya ako ng matapos ang taon dahil nakasama ako sa top 10.

    Ngayon ay 2nd year na ako napakaraming nakakasalamuha kong tao. Hindi ko alam kong paano ako magiging mabuting kaklase pero alam ko na ginawa ko ang lahat. Sa year na ito nagkaroon  ako ng napakaraming kaibigan. Nagkaroon din ako ng munting paghanga kin "Althea" at "Piwie" dahil sa husay nilang kumanta. Marami namang masasayang bagay ang nangyari sa akin. Dito ko nakilala ang isa ko pang kaibigang matalik na si Ivan N. Alvaran.

kami yan ng mga Best ko!!
      Noong 3rd year naman ako naranasan ko ang pagtuturo nina  Sir. Legaspi at Mam. Cuasay. Sa una medyo nakakatakot at maraming rules at regulation na ipinatutupad. Ngayon sanay na kami. Napatunayan naming napakabait nilang guro.

    Ang bilis ng araw 4th year na kami. Na "mimiss" namin ang isa't isa kaya naman dinadamihan na namin ang time ng pagbobonding. Mabuti nnalang at nandiyan ang mga guro na handang umunawa sa amin. Kabado ang lahat sa kailangang maisumite na "Researh Paper". pero inabot parin ito ng January. Hindi namin namamalayan na malapit na pala kaming maghiwahiwalay. Hayyy!!!! naku , nakakalungkot. Tunay ngang ang HighSchool Life ang pinaka masayang parte ng buhay. Dito ka maraming makikilalang special some one. Ngayon taon nga pala nakilala ko sin Ella Jean Gahuman , Mary Dianne Gonda, at ang pangalan ng blog na ito Elizabeth Courtney Jines. Ngayon ay sinusulat ko ang pinagawang talambuhay ko ni Sir Lacsam(Feb. 25 2011 7:22 PM.) 

     NGAYON NAKILALA MO NA AKO!!!!


Monday, February 14, 2011

"Deceiverside"- the creation

     

                                                                                                              Courtesy: google pictures


     This blog was created by Shidrex M. Gonzales from Col. Lauro D. Dizon Memorial National High School, IV-Science (Scyber Phoenix) Batch 2010-2011.The beginning of this blog was by the help of Mr. Dennis Lacsam my beloved computer teacher who teach us to use this program, and teach us to be a good and responsible netizen. Thanks for my family for financial support and specially God!!!.

    First of all, I would like to welcome you in my blog, this blog are created for the enhancement of the readers mind in every deceiver person (person that carry false information that leads you in     mistakes). I will give you my opinion in modifying true friends, making a right track in life, and making a decision in times of trials and problems. This blog are created to the person  that are taking a wrong track in life, I will tell something that he/she can be use from the word of God  (The Holy Bible).

    The title of this blog came form two different stories, first story is from spy-kids-3d (game over) that was my favorite movie, and it was my favorite artist Demetra (the deceiver).  This movie was created on 2003 by the Italian people. I will tell something in this story,  Juni was ca spy that retired in his company that was the last seen in spy kids 2. He began a normal life and save an amount of money to play the " game over" game. When he complete the amount that he needed, he lost he lost all of his money because it was blown by the wind. Then one of his friend namely Gerti Giggles go to their house to told him that  the "game over" game can manipulate the mind of everyone that have been game over in this game. After hearing this He go to her company. His boss told him that his sister played this game to stop the toymaker ( the creator of the game)in manipulating the mind of children. Juni decided to play this game to save everyone especially his sister that stuck in level 4. At first he did not know what to do until he was given a chance by the toymaker to have a tag team. He choose his grand father that cannot walk. While playing this game when he get to higher level he met but he did not know that she is only a program of the toy maker. She was also known as a deceiver but at the end of the story although he was a program she saves Juni and his grand father. The main value of this movie was "Everyone is a family" Because no man can face great challenges alone.

     They finish the unwinable level. This was the story were the name of this blog came from. The deceiver (demetra) is one of my crush, but she is already 18 yrs. old . Her complete name is Courtney Elizabeth Jines. When I saw here picture in the internet her image was change in her 12yr. old and in her picture in the present.
    
      The name of this blog "Deceiverside" may have a negative impression but as far as I know everyone is a deceiver by forcing others for doing something they don't want to do. Deceiving other or making a lie to other is one of the greatest sin that God hates. God wants us in our life by loving and caring everybody like what is written in the in the scripture, the two greatest commandment of God. First " Love God with all your hearth with all your soul, with all your mind and with all your strength",  the second is "Love your neighbors as you love your self" I know that following this commandment is so easy it is by the person that think he/she cannot do that , also known as pessimist.
      
      This blog may contain a negative effect for the readers but it will surely help you to trace aright track in life. You will notice that you are in a wrong track because deceivers(power of Satan) that you continuously accept in your life.

      The second why I choose this name is because, I am a Born again Christian. I want them to be saved in the eternal death,thus give them an Eternal Life in heaven.but this is by accepting Lord Jesus as a personal savior. I created this blog (to be honest) at first because of the grade in computer, but now I want to spread the word of God through the use of internet. Now a days many teenagers did not know how hard life is. They did not know Why the are living?, Who is God? , Who created man? ,and especially who gives us life in our daily lives. The "Deceiverside" will post not only the trivia for this world, but the trivia about God.

      You may ask question in this blog through your comments and I will answer and accept want do you want for this blog. This blog is a friendly blog you can seek when you face a problem or trials. You are lucky reading this blog because you will know how to be happy in life. Life is too short and you can only find happiness if you are contented.

     Again this blog is not full of false information this blog will help false person bay making them right person through right information.Now you know how this blog begin!!! I want you to come back in this blog to have spiritual knowledge. For more information who is Demetra watch spy-kids 3d( game over ). You will learn lots of good things in this movie.

    The final question are, Do you want to be a deceiver or to be a good friend to everyone?, Do you want to be deceive by your peer?, and specially, Can you accept Lord Jesus Christ as a Lord and personal savior?
"Deceiverside" will never make your life down, it will lift you up!
   


      

I am a Responsible Netizen!

    
                                                                                                                                        Courtesy: Google pictures


      What comes up in our mind when we hear the word Netizen?., for me this  is the abbreviation of internet citizen. Netizen are users  of the internet, they interact with each other trough the use of internet.

     Are you a responsible netizen? Did you use your internet wisely?, My answer is Yes!! I am a Responsible netizen and I use the internet wisely.

     For me to be a responsible netizen is so easy, because you will only avoid something that can harm other netizen. I am a responsible netizen, because I avoid using bad words when i use the internet. Although you cannot see who you are talking to but the person that receive bad or wrong information will feel an anger. This will be the beginning of your fall.You will have an enemy in the internet that will always contrast you in everything what you say that he/she will know.

      I am a responsible netizen, because I avoid watching pornography through the use of internet. I also avoid website accommodating scybersex  like com frog. This will harm you and it will decrease your spiritual strength that if you are not contented in watching your body will seek for sex and this may lead you in jail. You will rape others to sustain what your body wants to do. Think of your family if you are in jail. they will be sad, it is more disastrous if you are the "breadwinner" of your Family. So you must avoid watching phonographic films and use the internet wisely.
    
      I am a responsible netizen, because I avoid putting wrong information in the internet. because putting wrong information can make harm to other netizen. Think of others that you are standing on their side. This is one example: if you put a medicine for cough is drinking saltwater. some of the readers will follow what you suggest and it will lead them to harm. Many people use the internet to gather information to enhance their knowledge in this world so putting wrong information in the internet is dangerous.

      I am a responsible netizen, because I avoid blackmailing others although I cannot do that. Black mailing others through the use of the internet for money or for something important is like snatching something. You want to have a money without working, you want to own something that you want in easy way. It is written in the scripture , the 10 commandments of God , in the ninth commandment of god. If you need something force it to get it in the good way. Getting want you want in a good way makes you happy without making others mad and sad. You must avoid black mailing and always think that your situation is their situation.

     This are something that i am avoiding but to be a good and responsible citizen you must do something good. Here are some of what I do:

     I am a responsible netizen, because I love other netizen like my family. Because most of the time if you love your family you will put them away in harm. Taking good care to others is what God wants on us. He wants us to be one loving family. If other netizen saw that you are taking care of them they will become your friends. You can beg for advice and their and they will surely give their advise to you. having many friends in the internet can make you happy. Love other Netizen and you will gain more friends.

      I am a responsible netizen because I use the internet as my reference in my study. Internet is full of information. You can  see many articles here that are not written in the book. Using this may improve your knowledge and make your life easy. It will help you in many aspects of life. Internet also provide adds that gives a job for a jobless person. You can also be entertained by the internet through the internet games and sounds. Internet can do many things but be sure that you will use it properly. Use the internet wisely.

     I am a responsible netizen because I help other netizen what ever their problems. Helping others is good and it will make us to be happy. there is a saying: " It is better to give than to receive" It means that we must give other not forcefully but instead what our hearth told us to give. This is similar to " It is better to help them than they are helping us". Because helping others means that you are strong enough in that problem. So be a helpful netizen.

     I am a responsible netizen because I accept what other want me to do. I accept their suggestions if I think it will help and it will not offend others. Because being open minded is one of the most good characteristic that the person must have . It will bring you for more knowledge and it will help you  to be humble. Being open minded will bring you to success.

      This is what the responsible netizen do. I am a responsible netizen because I. avoid using bad words, I avoid watching pornographic films, I avoid putting wrong information in the internet,I avoid black mailing  others, I love others like my family, I use the internet wisely, I help other netizen and, I am an open minded netizen. This are some of what I maintain to do, to be a responsible netizen.

     Being responsible netizen is practicing to be a citizen although it is in the internet. I AM GLAD TO BE  A RESPONSIBLE NETIZEN""

Film Review- "Clash Of The Titans"

 
                                                                                       Courtesy: Google pictures
      Isang kwento ay nag simula sa mga nak ng diyos na sina Zeus, Poseidon at Hades.At napag ka sunduan nila na gumawa na halimaw na tinawag na Kraken. Upang maging panakot sa mga tao. Si Zeus ang pinuo ng kalangatan, Si Posydon naman sa karagatan, at si Hades ay para sa Under World o kabilang buhay. Pero alam ng lahat na gustong guto niHades ang pwesto ni Zeus.ang libong taon ang lumipas, may isang mangingisda nagngangalang Spyros ay nakahanap ng isang kabaong sa dagat. Ang isang sanggol at ang kanyang ina na patay Danaë ay nasa loob ito.Inampon ni Spyros ang bata at pinangalanang Perseus. Makalipas ang ilang taon, habang nakasakay si Perseus sa isang maliit na bangkang pangingisda kasama ang kanyang pamilya ay nasaksihan nila ang isang grupo ng mga sundalo mula sa Argos sa pagsira ng isang napakalaking rebulto ni Zeus, bilang isang deklarasyon ng digmaan laban sa mga dios. Lumitaw si Hades sa harap ng isang kawan ng mga harpies at ng mga kawal. Pagkatapos makamit ni Hades ang tagumpay, sinira nya ang bangkang kinasasakyan ng pamilya ni Perseus.

        Si Perseus ay natagpuan ng mga sundalo, na dinala siya sa Argos. Siya ay dinala sa harap ni King Cepheus at Reyna Cassiopeia ,sa panahon ng kanilang pagdiriwang ng digmaan para sa mga dios. Ang Hari ay gumagawa ng mga pahayag na nagpapakita ng kawalang-galang sa mga dios, at ang Reyna ay pinagkukumpara ang kanilang anak na babaeng si Andromeda sa diyosang si Aphrodite. 

            Nagalit ng lubha si Zeus, dahil dito binigyan ng pagkakataon si Hades na lumitaw sa harap ng kaniyang mga kapatid sa bundok ng Olympus. Sinabi ni Hades na ang mga dios ang dapat kumilos sa paghihiganti laban sa mga pag-aalsa, at kinumbinsi din nya si Zeus na payagang sirain ang Argos. Lumitaw si Hades sa courtroom at pinatay ang mga natitirang mga sundalo at iniligtas si Cassiopeia sa bingit ng kamatayan. Nagbabanta si Hades na kung si Prinsesa Andromeda ay hindi magsakripisyo para sa kaluguran ng mga dios sa loob ng sampung araw, ang Argos ay pupuksain sa pamamagitan ng Kraken. Nang paalis na si Hades ay nagpapakilala si Perseus bilang isang kalahating diyos. Si Hermes ,ang mensahero ng Diyos , ai ibinalita kay Zeus na ang kaniyang anak na si Perseus ay buhay at nasa Argos. Tumanggi si Zeus na protektahan ang anak ng malaman ito. 


          Ibinilanggo ng Hari si Perseus, dahil hindi siya ay lalaban para sa Argos laban sa mga dios. Si Io ang nagpakilala kay Perseus ng kanyang tunay na pamilya. Ito ay upang parusahan si Haring Acrisius para sa kanyang paglaban sa mga dios, nagpanggap si Zeus bilang si Haring Acrisius at siya ang nagging anak. Nang pinatangay ni Acrisius si Danaë at ang sanggol na si Perseus sa agos ay isang galit na galit na Zeus ang nagpatama ng kidlat kay Acrisius na dahilan upang pumangit ang itsura nito. Sinabi din niya kay Perseus na hindi sya tatanda bilang parusa sa pagayaw nya sa panghihikayat ng diyos na si Poseidon. Pagkatapos malaman na ang pagpatay sa Kraken ay magpapahintulot sa kanya upang magkaroon ng paghihiganti laban sa Hades (dahil ito ang dahilan ng pagkamatay ng kaniyang pamilya) Si Perseus ay sumang-ayon na sumama sa pinakamagagaling na sundalo ng Argo sa isang paglalakbay upang mahanap ang Stygian Witches. 

Nang mahanap ni Hades si Acrisius, na tinatawag ng Calibos,ay sinabi ang kaniyang plano na gamitin ang Kraken sa pagsira sa Argos, Pinalakas ni Hades si Acrisius upang makapaghiganti kay Zeus para sa pagtataksil matapos ang labanan sa Titan at upang patayin si Perseus. 

Habang nasa gubat, na tuklasan ni Perseus ang tabak ng Olympus, pati na rin ang sagradong alaga na lumilipad na kabayo ni Zeus, ang Pegasi. Tinanggihan ni Perseus ang tabak, na maaaring lamang nyang gamitin, at Pegasus, na ang dios ang naghandog bilang tulong, sinabi ni Perseus na hindi nya nais na maging isang diyos. Inatake ni Calibos ang grupo at pinatay halos lahat ng mga praytoryan sundalo at sinubukang patayin si Perseus ngunit tumakas matapos putulin ni Draco ang kanyang kamay. Gayunman, ang dugo ni Caliboay nagging higanteng alakdan sa labas ng buhangin, na inatake si Perseus at pinatay ang lahat ng mga guwardiya, maliban kay Draco, Solon , Eusebios at Ixas. Sila ay nakaligats sa pamamagitan ng Djinn, isang pulutong ng mga dating taong shamans naging mga demonyo ng Arabian mythology, sa pamamagitan ng pagpapalit ng kanilang mga sugat sa gabok atitim na kapangyarihan. Hindi sila lubos na nagtitiwala sa Djinn hanggang ang kanilang lider na si Sheikh Suleiman ang gumamot ng mga sugat ni Perseus.At nang Makita nila Solon at Draco ang pagpapagaling kay Perseus na sa tingin nila ay sinasaktan ito,lumusob sila at sinubukang iligtas siya. Natalo niya ang lahat ng mga mandirigma at sinabi na ang tanging paraan upang matulungan si Perseus ay sa paglaban ng magkasama. Sumama ang Djinn sa grupo ni Perseus dahil nais din nilang Makita ang mga Dios. 

        Nang makarating sila sa mga Stygian witches ay sinabi ng mga ito na solusyon ay nasa ulo ng Gorgon medusa, na maaaring patayin ang Kraken pamamagitan n Gawin itong bato. Binigyan si Perseus ng babala na ang kanyang mga grupo ay mamamatay sa proseso at ang lahat ng mga Djinn, maliban kay Suleiman, iwan na ang mga ito. Umalis sina Ozal at Kucuk na nagsasabing hindi sila maaaring lumaban sa underworld. Binisita ni Zeus si Perseus at binigyan ng panlaban sa Mount Olympus, ngunit ito ay tinanggihan. Nagbigay na lang ng isang gintong drakma si Zeus bilang isang paraan upang suhulan si Charon, para sa mga pagdaan sa Underworld. 

        Sa paglaban sa Medusa , binaril ni Gorgon si Solon, atsiya’y namatay . Napatay naman ng Medusa sina Ixas at Eusebios. Perseus pagkatapos malinlang si medusa, at habang sinusubukan ni Sulieman ang pagpugot ng ulo nito ngunit humantong lamang sa paghiwa ng ilang mga ahas sa kanyang ulo. Natrap ni Medusa si Suleiman sa pamamagitan ng likaw ng buntot sa paligid nito at mga pagtatangkang gawing bato siya. Matapos isakripisyo ni Draco ang kanyang sarili sa pamamagitan ng pagkuha ng atensyon ni medusa ay nagawa ni Perseus na putulin ang ulo nito. Pagusbong mula sa Underworld, nakita ni Perseus si Calibos ng saksakin nito si Io mula sa likod. Pagkatapos ng isang maikling duwelo, napatay ni Perseus si Calibos, gamit ang tabak mula sa Olimpus, na nagbalik kay Calibos sa pagiging tao. Sa kanyang huling hininga, Calibos (ngayon Acrisius) sinabi nito kay Perseus na huwag maging tulad ng mga dios.Nakita ni Perseus si Io na maging gintong alikabok. Pagkatapos bumalik na sa Argos si Perseus gamit ang kabayong si Pegasus dala-dala ang ulo ni medusa.

       Sa Argos, ang mga sumasamba kay Hades ay inihahanda ng isakripisyo si Andromeda sa Kraken. Nang pakawalan na ang Kraken , sinabi ni Hades kay Zeus na ang pagsira ng Argos ay magbibigay sa kanya ng sapat na kapangyarihan upang ibagsak ang iba pang mga Olympians, na magtatapos sa kapangyarihan ni Zeus, bilang paghihiganti ni Zeus sa paglinlang sa kanya,sinabi ni Zeus na buhay pa si Perseus sa Argos. Kahit nagpadala si Hades ng kanyang harpies upang patayin si Perseus,nagawa pa ring talunin ni Perseus ang kraken sa pamamagitan ng ulo ni medusa at nailigats si Andromeda. Pinigilan ni Cepheus si Prokopion, ang lider ng kulto, sa pagpatay kay Andromeda ngunit pareho silang namatay ng mabagsakan ng durog na mga bato mula sa Kraken. Lumitaw si Hades at sinabing isa syang immortal kaya’t hindi sya mapapatay ni Perseus. Sinabi ni Perseus na si Hades ay maaaring mabuhay magpakailanman, ngunit hindi sa mundo ng mga tao.


        -Ang ganda ng istorya Diba> ^_^!!!!!

Friday, February 11, 2011

THE FUTURE DIZON!!!

                                                                                                                          Courtesy: Google pictures
       Talagang napakagaling ng Dizon sa iba't ibang larangan ng paligsahan. Nakakalungkot isipin na aalis na ako sa paaralang ito na nag hubog sa akin sa mabubuting asal. Nais ko pang mas gumanda  at umunlad ang paaralang ito.


     Sa aking palagay ay sa mga susunud na taon ay makikilala ang Dizon sa mga "research work ng mga bata dito.Mas magiging mataas ang kalidad ng edukasyon dito. Mag kakaroon ng kolehiyo upang mas lalo pang mahubog ang mga mag-aaral at maihahanda sila para magkaroon ng trabaho sa kasalukuyan.Mababawasan ang mga estudyante na pagbubibulakbol lang ang alam. Mag kakaroon ng sapat na pasililidad sa pag-aaral dahil nakakaawa ang nais mag-aral ngunit ang nkakasama niya ay puro bulakbulero. Magkakaroon  ng gwardiya sa Dizon upang mawala ang mga pumapasok na "out siders" na kadalasang nagsisimula ng away at gulo.


   Iniisip ko rin na kung magkakaroon ng kumpletong sports materials sa Dizon ay lalo pang gagaling ang mga pumapasok dito. Magiging maganda rin kong mag kakaroon ng taniman at mga hayupan upang pagkakitaan ng Dizon at para gamiting budyet para sa kakailanganin sa paaralan, kagaya ng Pedro Guevara Memorial National High School sa Sta. Cruz Laguna. Bukod na sa kikita ang paaralan, magkakaroon pa ng trabaho ang mga tambay na estudyante tulad ng; Magpakain ng mga hayop, magtanim, maglinis ng kulungan ng hayop, at maglinis sa mga ito.Maaari ring maging kaparusahan sa mga batang sumusuwaysa palatuntunan ng paaralan. Hindi na kakailanganin pang mag koleksyon sa mga hirap na hirap na estudyante para matustusan ang pangangailangan ng paaralan. Magkakaroon pa ng libreng paaaral sa labis na pondo ng paaralan. Maraming matutuwang magulang at uunlad ang Dizon.


    Maaari rin namang kapag marami ng batang nakatapos sa pag-aaral sa Dizon, maaari silang bumalik upang mag donate ng ilyong milyong halaga para sa mga gawain ng paaralan. Napakalaking halaga ang maiipon ng Dizon at magkakaroon na ng mga Super High-tech na kagamitan ang Dizon. Napakagandang tingnan na robot ang mag puputol ng damo sa oval, magtatanggal ng lumot at maglilinis ng grand stand. Sa palagay ko magiging Zero waste ang Dizon at magiging pinakamalinis na paaralan sa buong mundo. Matututo pa ang bawat isa na mag recycle upang maging mailinis ang paaralan.


     Iniisip ko rin na sa hinaharap ay wala ng gagamit ng black board sa Dizon puro na lamang projector ang gagamitin. Magkakaroon ng din ng umiikot na upuan upang kahit saan mag turo ang guro ay madaling ipipihit ang silya. Magiging madali rin ang pagkwekwentuhan ng estudyante kapag nagkaroon ng bakanteng klase. Mas madali rin silang matututo dahil magiging interessado silang matuto sa pag-aaral. Wala ng bibili pa ng Manila paper upang gamiting visual aids sa kanilang report. Mag kakaroon sila ng kaalwanan sa pag-aaral dahil habang sila ay nag-aaral ay may roon silang papanooring educational videos.


     May naiisip ako sa kasalukuyan na magpapasaya sa mga estudyanteng mahilig sa computer lalo na sa Defence of the Ancient o mas kilala sa tawag na DOTA. Iniisip ko sa kasalukuyang na mag kakaroon ng DOTA tournament sa ating paaralan ay magkakaroon ng iba't ibang paligsahan sa nasabung laro. Mag kakaroon ng Bonding ang magkakalase at magkakasundo sila upang makabuo ng maganda at malakas na grupo.


     Sa hinaharap maaari ring wala ng hagdan sa Dizon puro nalang eskulator. Hindi na mahihirapan pa ang mga Estudyante na mag akyat baba sa kanilang dapat puntahang. Mag kakaroon din ang dizon ng 8 story building na mayroong elevator na maaaring tumira ang estudyante. Isang boarding house para sa high school. Magkakaroon din ng taklob ang oval upang bawasam amg imit ngunit bubuksan kung uulan. Dahil marami ang mga guro at mag-aaral na naiinitan dahil palipat lipat sila ng mga room na pinapasukan o tuturuan.


    Maganda rin kung sa hinaharap. Magiging Wi-Fi zone ang buong Dizon. Lahat ng mga bata na pumapasok diyo ay pahihiramin ng Loptop para sa pag-aaral. Wala ng magdadala ng bag at Loptop ng lang ang kanilang dadalhin. Hindi na rin magdadala ng sankatutak na libro ang mga estudyante na nagkakandakuba na sa pagdadala nito. Wala ng mahihirapan sa pagkopya ng lecture dahil maari nalang kopyahin sa computer. Hindi na rin mauubos ang isang period sa pag kopya ng lecture na gustong kopyahin ng mga estudyante. Mas magiging madali ang pag-aaral dahil ilang pindot lang ay gawa na amg takdang aralin sa naturang asignatura.


    Iniisipn  ko rin na magkakaroon ang Dizon ng sariling simbahan at Department store. Mag kakaroon ng one's a week mass dahil maraming kabataan ngayon ang hindi nagbibigay ng attention sa Diyos na tagapaglikha. Kinakalimutan nila na ang araw ng Linggo ay para sa Diyos. Mahuhubog ang mga bata sa magagandang asal at magiging mabuting mamamayang pilipino. Sa Department store naman makikita ang mga murang bilihin upang hindi na pumunta ang estudyante sa labas ng paaralan upang bumili ng kanilang kailanagan sa mga Activity at Expeiments.


     Magiging maganda rin kong magkakaroon ang bawat is ng bisekleta. Hindi na nila kakailanganin pang magsakay papunta sa paaralan.Nakakapag ehersisyo pa sila araw-araw at magiging malakas ang kanilang resistensya sa sakit. Mababawasan pa angpolusyon sa hangin na nagdudulot ng mga sakit. Hindi na sila mahuhuli sa kanilang klase dahil mas mabilis ang transportasyon gamit ito.


    Magiging maganada rin kong pipili ang ating paaralan ng maaaring ilaban sa sayawan kantahansa telibisyon. Upang mahubog ang kanilang talento at magkaroon sila ng "confident". Makikilala rin ang Dizon sa buong mundo na pinaka magaling, pinlamaganda, at pinakamahuhusay na guro.


     Maariring sa kasalukuyan ay magkaroon ng mraming Dizon at kakalat ito hindi lamang sa buong bansa pati na rin sa buong mundo. Makikilala ang Dizon sa kalidad ng Pag-aaral at magagaling na estudyante nito.


     Ang sarap pagagabahin ng imahinasyonpara tingnan ang hinaharap. Ang sarap ding tumingin ng positibo para sa hinaharap. Alam kong ang paghahangad ng maganda sa hinaharap ay hindi masama dangan lamang dapat itong pagsumikapan.


   Ang sarap isiping napakaunlad ng Dizon Ang sarap makitang napakaganda ng pinasukan mong paaralan. Ito ang hamon sa iyo... Mapapunlad nyo pa ba ang Dizon??.. Ito ang aking inaasahan at hinahangad para sa aking iiwanang paaralan.


    "PROUD TO BE A DIZONIAN"